176

Oct 20, 2021 @ 16:29
By

PDP-Laban: Mayor Sara hindi isa-substitute kay Bato

Itinanggi ng PDP-Laban na isa-substitute si Davao City Mayor Sara Duterte kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa bilang pambato ng partido sa pagka-pangulo.

Paliwanag ni PDP-Laban president Alfonso Cusi, maliwanag aniya na sinabi ni Mayor Duterte na hindi ito tatakbo sa ilalim ng partido.

“Una ‘yung kay Mayor Inday Sara substituting for Bato, that is something that hindi namin na-consider because very clear naman ang statement ni Mayor Inday na hindi siya tatakbo under PDP. So kung hindi siya, paano namin isa-substitute ‘yun ‘di ba?” saad ni Cusi sa panayam sa ANC.

Pinili aniya ng partido si Dela Rosa dahil naudlot ang orihinal nitong plano na Go-Duterte tandem.

“At that time nandoon si Sen. Bato. Well, may advocacy din ito kaya ‘yun ang napagkasunduan ng partido na i-field siya na para tumakbong President,” ani Cusi.

Pinapayagan lamang ng Commission on Elections ang isang kapartido na maging substitute ng kandidatong umatras sa kandidatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?