170

Oct 6, 2017 @ 14:08

PDP-Laban may senatorial slate na

Ibinunyag na ni Senate President Aquilino Pimentel III ang partial na listahan ng senator bets ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para sa 2019 senatorial election.

Ayon kay Pimentel, pangulo ng partido,kabilang sa kanilang Magic 12 na kanyang pinangungunahan sina Negros Occidental Representative Alfredo Benitez, Bataan Representative Geraldine Roman, Davao City Representative Karlo Nograles, dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino at si House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Gayunman, nilinaw ni Pimentel na pag-uusapan pa nila ang listahan at ito lamang ang kanyang personal choice na makabilang sa kanilang Senatorial Slate.

“We will try our best to come up with complete 12-person slate,” saad ni Pimentel.

Kung hindi man anya sila makabuo ng 12 kandidato mula sa kanilang partido ay magiging bukas sila sa pakikipag-alyansa sa iba pang partido.

“If incumbent re-electionist senators join the party then they will enjoy priority in inclusion in the slate,” dagdag ni Pimentel.

Kinumpirma rin ng Senate President na plano nitong kausapin si House Speaker Pantaleon Alvarez para magsilbi nilang national campaign manager upang maisulong ang 12-0 na kampanya.

“This is a developing/evolving matter hence not final not official just my personal preferences,” paglilinaw ni Pimentel. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?