419
koko-pdp
Apr 19, 2018 @ 18:01
By

PDP-Laban, may 20 pagpipilian para sa senatorial slate

Inihayag ngayon ni Senate President Koko Pimentel ang 20 na kabilang sa pagpipilian ng PDP-Laban para makabilang sa kanilang senatorial slate.

Ayon kay Pimentel, pangulo ng partido at tatakbo rin muli sa pagka-senador, kasama sa revolving list ng partido sina:

Senador

JV Ejercito

Grace Poe

Cynthia Villar

Sonny Angara

Nancy Binay

Congressmen

Ace Barbers

Pia Cayetano

Alvee Benitez

Karlo Nograles

Zajid Mangudadatu

Geraldine Roman

Reynaldo Umali

Executive Department

Special Assistant to the President Bong Go

Presidential spokesperson Harry Roque

Presidential Adviser Francis Tolentino

Assistant Secretary Mocha Uson

Ang iba pa ay sina:

Freddie Aguilar

Jiggy Manicad

Rafael Alunan

Ayon kay Pimentel, mas pinili niya na ipasok sa PDP-Laban slate si Ejercito kaysa kay dating senador Jinggoy Estrada na noon pa niya napangakuan.

Malamang namang isama sa listahan kung magsasabing tatakbo sa pagka-senador sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo at dating PNP chief Bato dela Rosa.

Maaari ring magpasok ng pangalan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pimentel, magiging batayan ng pagpili ng partido ang endorsement ni Pangulong Duterte, winnability na pupulsuhan sa survey sa loob at labas ng partido, membership at serbisyo sa PDP-Laban at bukas sa federalism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?