28

Oct 9, 2017 @ 14:01

PDP-Laban magsasara na ng pintuan

Nagtakada na ang Partido Demokrating Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ng deadline sa pagtanggap ng mga nagnanais tumalon sa kanilang partido.

Ayon kay Senate President at PDP-Laban President Aquilino “Koko” Pimentel III, hanggang Nobyembre na lamang sila tatanggap ng mga bagong miyemro.

Layunin nito na magkaroon ng sapat na panahon ang partido sa pagpili ng mga kandidato para sa My 2019 national and local elections.

“After the massive influx of new members into the Party for the past year, we now have significant presence in most of the provinces of the country. We should now focus on teaching all the members the Party Ideology and Program of Government and deepening their understanding of these. After this, we can present a solid and united front come 2019,” saad ni Pimentel.

Ipinaliwanag ni Pimentel na layon din nito na maiwasan ang mga latecomers na maging kandidato ng partido kahit wala namang naibahagi ng mga ito sa mga aktibidad ng PDP-Laban. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?