458

By

PDP-Laban: Hindi namin kandidato si Freddie Aguilar

Sharing is caring!

Mariing itinanggi ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na isa sa kanilang mga kandidato sa pagka-senador ang singer-composer na si Freddie Aguilar.

“For everyone’s information, Freddie Aguilar is not a candidate for senator of the PDP-Laban. He has not received any Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) from the Party,” ayon kay Ron Munsayac, head ng PDP-Laban public information committee.

Naghain kanina si Aguilar ng kandidatura sa pagka-senador sa headquarters ng Comelec sa Intramuros, Maynila, at nagsabing tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban.

Sinabi ni Munsayac na malaya namang kumandidato si Aguilar.

Samantala, sinabi ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na dadaan pa naman sa pagkilatis ang natatanggap nilang certificate of candidacy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?