koko1
By

PDP Laban hahataw sa info drive ukol sa federalism

Sharing is caring!

Magsasagawa ang PDP Laban ng information drive hinggil sa pagpapa-amyenda sa Konstitusyon para sa federalism.

Bunsod ito ng resulta ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing hindi pabor ang nakararami na isalin ang porma ng pamahalaan tungong federal.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, pangulo ng PDP Laban na nagsusulong ng federalism, batay sa survey, maaaring ayaw ngayon ng nakararami sa federalism pero payag na isagawa ito sa ibang panahon.

Pero aminado na talagang kailangan itong ipaliwanag nang husto dahil hindi pamilyar ang marami sa konsepto ng federalism.

“I acknowledge that people still need to know more about federalism as the word has remained a new and still unfamiliar concept to them,” ani Pimentel.

Aniya, makakatulong nila sa pagpapaliwanag sa publiko ang iba pang kilusan na nagsusulong ng federalism.

Maaari umanong magkakaiba sila ng detalye pero pare-pareho lang ang konsepto at basic meaning at mekanismo ng federalism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?