143
Speaker Pantaleon Alvarez
Feb 6, 2018 @ 17:47
By

PDP-Laban, bukas sa pakikipag-alyansa sa ibang partido

Nakahandang makipag-alyansa ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa ibang partido para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, secretary-general ng PDP-Laban, ito’y kung hindi nila makukumpleto ang senatorial slate ng partido.

“Tingnan natin. Kung hindi naman namin mabuo ung full slate ng PDP so baka puwede tayong makipag-alliance sa ibang party,” ani Alvarez.

Pero ayon sa Speaker, wala pang iniimbitahan ang ruling party para mapabilang sa kanilang senatoriables.

“So far wala pa, wala pa. Kasi kung mabubuo naman ‘yung full slate ng PDP, ‘yon na ‘yon,” sabi ng Speaker.

Wala pa rin aniyang nangyayaring mga negosasyon para sa posibleng alyansa sa ibang partido.

Pero binanggit ni Alvarez na inumpisahan na ng PDP-Laban ang mga preparasyon para sa midterm elections.

Nauna nang lumutang ang ilang pangalan na sinasabing mga kandidato sa pagka-senador ng administrasyon kabilang na sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Communications Assistant Secretary Mocha Uson, Davao City Rep. Karlo Nograles, Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Bataan Rep. Geraldine Roman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?