121

Feb 25, 2021 @ 15:48
By

PDEA vs PNP sa QC drug bust, binanatan ng mga netizen

Trending topic sa Twitter Philippines ang “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) kagabi, Pebrero 24 sa labas ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Dalawang pulis ang patay habang apat ang malubhang nasugatan sa insidente.

Nagpahayag ng kalungkutan sa nangyari si Pangulong Rodrigo Duterte at tiniyak na magkakaroon ng impartial investigation at maisisilbi ang hustisya.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Major Gen. Vicente Danao, kapwa lehitimong anti-drug operation ang ginawa ng PDEA at Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District, at lumilitaw na nagkaroon ng “misencounter”.

Kung sino man aniya ang may kasalanan at kung ano man ang dahilan ay iimbestigahan ang insidente.

Inulan naman ng mga meme at pagtuligsa mula sa mga netizen ang nangyari sa PDEA at PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?