By

PDEA, PNP mananagot kapag bumalik ang EJKs – Gatchalian

Sharing is caring!

Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi muling hahataw ang mga patayan at extra-judicial killings sa pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban as ilegal na droga.

Kailangan umanong bantayan at pangasiwaan ang anti-drug operations nito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ngayon ay lead agency sa war on drugs.

Sa pangunguna ng PDEA sa giyera laban sa droga mula noong Oktubre 11, isa pa lang diumano ang napatay na hinihinalang tulak ng droga.

Ayon kay Gatchalian, kapag dumagsa muli ang mga patayan, kapwa pananagutin ang liderato ng PDEA at PNP.

“The PDEA needs to assert its leadership and closely monitor the police support operations under their supervision. Over the past couple of months it has been shown that the war on drugs can be fought effectively with minimal loss of life,” ayon sa senador.

“The people will hold the leadership of both agencies responsible if the disturbing trend of brutal suspicious killings is revived,” diin pa nito.

Pinayuhan naman ang PNP na magpakitang-gilas ngayon at iwasan ang madugong anti-drug operations upang mabawi nito ang tiwala ng taumbayan at upang hindi madamay ang mga inosente.

“The PNP must make the most out of this opportunity to prove their critics wrong. They should avoid unnecessary bloodshed during anti-drug operations,” ani Gatchalian. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?