143
duterte-goc
May 24, 2018 @ 17:29

PDEA official inilipat ni Duterte sa Customs

May bagong puwesto sa gobyerno si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy Director for Administration Jesus Fajardo.

Kasama si Fajardo sa mga bagong appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinalaga bilang Deputy Commissioner ng Bureau of Customs.

Pinalitan ni Fajardo si Deputy Commissioner Natalio Ecarma III simula May 21, 2018.

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi mapipilay ang PDEA sa paglipat no Fajardo dahil magagaling ang mga opisyal ng ahensiya at mapapanatili ang pinaigting na kampanya kontra illegal na droga.

Kabilang sa mga bagong appointees na inilabas ng Malacañang ay sina Jose Valdez Campo bilang Assistant General Manager for Planning ng Metro Manila Development Authority, Irene Christine Caling Pelino, mwmber Professional Regulatory Board of Optometry,Mario Tolentino Flores Jr., member, Professional Regulatory Board of Optometry,
Alfonso Santiago Vicente Jr., Prosecutor III, Cagayan de Oro City, Mahmod Mala Langco Adilao,member Philippine Halal Export Development and Promotion Board at walong iba pa. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?