99
arrested1
By

PDEA nanaig sa LTO officer na tulak

Sharing is caring!

Dinampot ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa isinagawang buy-bust operation sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang naaresto na si Michael Rey Belisario Laureta, 44-anyos, Transportation Regulation Officer II ng LTO, Region 10, at ikinukunsiderang ‘high-value target drug personality.’

Sa report ng PDEA, dakong alas- 6:20 ng gabi (November 7, 2018), nang isagawa ng pinasanib na puwersa ng PDEA Regional Office X (PDEA ROX) sa pamumuno ni Director Wilkins M. Villanueva at Cagayan PNP ang buy-bust operation laban sa suspek sa Inabanga Street, Zone 1, Bulua, Cagayan de Oro City.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong piraso ng ‘heat-sealed transparent plastic sachet’ na naglalaman ng shabu, na tumitimbang ng 0.2 gram, drug paraphernalia, at the buy-bust money.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng PDEA habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?