2,186
ABANTE-TNT-lacson-no-el
By

PDEA mas katiwa-tiwala kaysa Customs – Lacson sa shabu smuggling probe

Sharing is caring!

Kumbinsido si Senador Panfilo Lacson sa rebelasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinagsidlan ng iligal na droga ang mga magnetic lifter na natagpuan sa isang bodega sa GMA, Cavite noong Agosto.

Ayon sa senador, na chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangeours Drugs, mas kapani-paniwala ang imbestigasyon at konklusyon ng PDEA kaysa sa Bureau of Customs (BOC) na unang nagsabi na negatibo iyon sa droga.

Sinabi ng PDEA na ‘inupuan’ o naamoy ng kanilang mga aso ang droga sa magnetic lifter habang negatibo umano iyon sa pagsusuri ng mga tauhan ng Customs.
Sa tantya ng PDEA, pinagsidlan iyon ng 1,000 kilo ng shabu na naitakas na at naibebenta na ngayon ng mga street pusher.

“Mas naniniwala ako sa PDEA if only for one very basic reason: Kung magnetic lifters lang ang ipinasok sa PH (Pilipinas) through BOC at walang shabu na kasama, bakit iniwan ng importers ang item sa GMA, Cavite?” Tanong ni Lacson.

“Di ba dapat gagamitin o ibebenta nila yun kung sino man ang end-user? Bakit nagmamadali nilang iwan sa warehouse? It’s logical, practical thinking, isn’t it?” Dagdag nito.

Dahil dito, iginiit ni Lacson na paimbestigahan na ito ng Malacañang o kaya ay ng Office of the Ombudsman.

Hindi naman naniniwala si Lacson na pinagtatakpan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang pagpupuslit ng iligal na droga.

“I am more inclined to assume that he is covering up for the incompetence of the BOC, but not for the drug syndicate.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?