By

PDEA magbabantay na rin sa mga pantalan

Sharing is caring!

Lumagda sa isang memorandum of Agreement ang Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naglalayong dagdagan ang presensiya ng mga tauhan ng PDEA sa lahat ng mga pantalan sa bansa.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang paggamit ng mga pasilidad ng PPA at deployment ng K9 units ng PDEA sa mga pantalan.

Ang inisyatiba ay pinangunahan ni PPA General Manager Atty. Jay Daniel Santiago at PDEA Director Gen. Aaron Aquino.

Layon din ng kasunduan na mapaunlad ang port security para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?