By

PDEA kinampihan sa BGC drug raid

Sharing is caring!

Idinepensa ni House dangerous drugs committee chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nangyaring drug raid sa hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig kamakailan.

Ito’y makaraang umani ng batikos ang PDEA mula sa ilang netizens nang banggitin sa press conference na ang isa sa mga naarestong suspek ay merong Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Pakiusap ni Barbers sa mga kritiko, unawain na lamang ang sitwasyon at mas pahalagahan ang accomplishment ng ahensya.

“[Director General Aaron]Aquino and the rest of PDEA deserve commendation for the successful drug operation. Let us not cast stones at PDEA while we defend the drug suspects. Ang PDEA ang kakampi natin sa laban na ito, hindi itong mga suspects na nagbebenta at gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Remember, it was a drug session that was foiled, not just any party. Let us not veer away from the real issue that is illegal drugs,” pahayag ni Barbers.

Nasamsam ng mga tauhan ng PDEA ang aabot sa P387,000 na halaga ng iligal na droga nang salakayin ang Unit 609 ng Seda Hotel sa 11th Avenue noong nakaraang linggo kung saan naaktuhan rin ang ilang suspek na nagtatalik habang ang iba ay gumagamit ng iligal na droga. Dalawa rin sa mga suspek ang hinihinalang nagsu-supply ng party drugs sa mga bar-goers at mga artista.

Kasabay nito’y nagpaalala rin naman ang kongresista sa PDEA at iba pang law enforcement agencies na palaging pairalin ang rule of law sa kampanya kontra iligal na droga.

“In our mission to rid our society of illegal drugs, let us not forget to honor the law at all times. Hindi puwede na humuhuli ka ng drug suspects, tapos kakalimutan mo na may ibang batas ka pang dapat sundin. At the end of the day, we are all public servants and we are expected to place loyalty to the Constitution,” ayon kay Barbers. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?