pdea
By

PDEA, hinikayat na palakasin pa ang koordinasyon sa int’l agencies

Sharing is caring!

Hinamon ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert Barbers ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na palakasin pa ang koordinasyon sa international agencies ng mga kalapit na bansa.

Ito ay para tuluyang masawata ang iligal na droga sa Pilipinas kasunod ng pagsalakay na ginawa sa natuklasang drug laboratories sa Batangas at Malabon kung saan pito ang naaresto kabilang ang apat na Chinese.

Sabi ni Barbers, kung mapapalakas ang koordinasyon sa international agencies ay tiyak na marami pa ang mahuhuling dayuhan na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Ipinaalala ni Barbers na magkakatuwang sa ganitong responsibilidad ang mga bansa lalo na sa Asya.

“Trafficking of illegal drugs is a global problem that must be stopped at the borders. Thus, it must be a shared responsibility of all countries,” ani Barbers.

Pinuri naman ng kongresista ang PDEA sa matagumpay na operasyon sa Batangas at Malabon.

“I commend PDEA Director General [Aaron] Aquino and the rest of the PDEA for their successful drug operations in Batangas and Malabon,” sabi ni Barbers.

“Hindi matatapos ang laban kontra droga hangga’t hindi nahuhuli ang mga malalaking isda na patuloy na sumisira sa ating lipunan,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?