20
drug-test-res
By

PDEA, DepEd nagkasundo na sa elementary drug test

Sharing is caring!

Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na hindi niya papayagan na makapagsagawa ng drug testing sa mga estudyante sa elementarya.

Sa pakikipag-usap niya kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Gen. Aaron Aquino, sinabi ni Briones na limitado lang sa mga high school at college students ang random drug testing.

Sinabi ni Briones na nagkasundo naman sila ni Aquino at mga opisyal mula sa Philippine National Police (PNP) na dapat ay gawin na lang nila ang kani-kanilang trabaho at sa DepEd ay para makaiwas ang mga estudyante sa droga.

Aniya, irerespeto din nila na ang mandato naman ng PDEA at PNP ay ipatupad ang mga batas ukol sa paglaban sa droga.

Sa naturang pulong ay inilatag ng PDEA, PNP kasama ang Dangerous Drugs Board ang kanilang mga datos hinggil sa paglobo ng mga bata na nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ibinahagi ni Briones na nagkasundo na lang ang apat na ahensiya na magtulungan at magbigayan ng impormasyon para mailayo sa masamang bisyo ang mga estudyante. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?