80

Feb 28, 2021 @ 11:42

PDEA dapat intel lang – Ping

“Technical at human intelligence lamang dapat ang trabaho ng PDEA.”

Sabi ito ni Sen. Ping Lacson sa DZBB patungkol sa barilan kamakailan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Una nang sinabi ng senador na maaaring pinaglaruan lang ng informant ang PNP at PDEA dahil hindi raw maaaring magkaroon ng dalawang buy-bust operation ang dalawang ahensiya ng gobyerno.

Sa shootout na naganap noong Miyerkoles sa Commonwealth Avenue, Quezon City, apat na indibidwal ang namatay: dalawang kawani ng PNP, isang PDEA agent, at ang informant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?