10

By

PDEA chief kinontra ng Customs head sa presyo ng shabu

Sharing is caring!

Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na mali na sisihin sila ni PDEA Director General Aaron Aquino sa pagbaha ng shabu sa Metro Manila.

Ayon kay Lapeña, ispekulasyon lang ni Aquino na ang pagbaba ng halaga ng shabu ay dahil sa hinahanap pa rin na P6.8 bilyong halaga ng shabu na nakalusot diumano sa Bureau of Customs.

Unang inihayag ni Aquino na ang shabu na ipinagbibili ngayon sa mga kalsada ay bahagi ng nakalusot na droga.

Pagdidiin ng Customs chief na wala pang konklusyon ngayon hinggil sa sinasabing panibagong anomaly dahil iniimbestigahan pa rin ang pangyayari.

Giit nito, tulad ng ibang produkto, ang presyo ng shabu ay nakadepende sa ‘Law of Supply and Demand.’

“It is either when there is so much supply then it can drive the price of shabu down if the demand is low then it can drive the prices of shabu down, so it can go either way. It is either the supply is high or the demand is low,” paliwanag nito.

Nagkamali din aniya si Aquino sa sinabi nito na wala siyang nalalaman na iniimbestigahan ng Customs Bureau ang shabu smuggling sa Cavite dahil aniya bumuo na siya ng fact-finding committee.

Dagdag pa ni Lapeña mas una pa niyang sinibak si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban bago pa ang pagsuspende kay PDEA Dir. Ismael Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?