243

Mar 4, 2018 @ 10:11
By

PDEA Calabarzon chief, 61 iba pa sibak sa extortion

Tinanggal sa kani-kanilang mga posisyon ang regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon kasama ang 61 ahente dahil sa ulat na sangkot ang mga ito sa pangingikil sa Batangas at Cavite.

Sa isang statement, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ipinag-utos nito ang pagsibak kay Regional Director Archie Grande at sa 61 ahente at technical personnel na nakatalaga sa operations unit group.

Sabi ni Aquino, batay sa intelligence reports, sangkot ang mga ito sa serye ng unlawfil arrest at extortion activities sa Batangas at Cavite.

Ilan sa mga natanggal ay sangkot din sa pagbibigay ng PDEA regionalized identification cards sa mga confidential assets at informants nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?