135

By

PDEA agent nilaglag, timbog sa buy-bust

Sharing is caring!

Sa halip na lipulin ang mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga, isang aktibong operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kasamang babae ang nasakote ng mga awtoridad habang nagbebenta ng shabu sa Quezon City.

Iniharap sa media nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/ Director Guillermo Lorenzo Eleazar at (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr ang mga suspek na sina PDEA Agent Mario Luisito David Israel, 42-anyos at Cynthia Eusebio, 48-anyos, kapwa residente ng Blk 23 Lot 6 Garden Villas, Sta Rosa.

Ayon kay La Loma Police Station 1 P/Supt Robert Sales, dakong alas-5:30 ng madaling araw (September 7) nang madakip ang dalawa sa Banawe corner Del Monte Brgy. Siena, Quezon City.

Isa umanong confidential informant ang tumawag sa La Loma Police at inireport ang on-going drug deal sa Banawe St., cor. Del Monte Ave.,Quezon City.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar at doon nila dinatnan ang dalawang suspek kaya sinita at kinapkapan ang mga ito.

Nakumpiska sa kanila ang limang sachet ng shabu, isang Glock 19 na baril at isang Mitsubishi Lancer na kotse na may plakang UPJ-337.

Sa imbestigasyon ay saka lamang nalaman na si Israel ay aktibong ahente ng PDEA na naka-assign sa Region IV-A.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng La Loma Police Station 1, ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearm ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?