48

By

PDEA agent na wanted sa carnapping, kidnapping timbog!

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang nagpapakilalang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na matagal nang wanted sa kasong kidnapping at carnapping na nangyari sa San Fernando, Pampanga.

Ayon kay QCPD Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang Galas Police Station (PS-11) na pinamumunuan ni PSupt Igmedio Bernaldez, ang nakadakip sa pekeng PDEA agent na nakilalang si Carmelo Estonido, 38-anyos, residente ng Galilan St., Baptist Compound, Brgy. Tatalon, QC.

Sa report, si Estonido ay inaresto ng mga tauhan ng Anonas Police dakong ala- 1:30 ng hapon (January 3, 2018), sa kanyang bahay at nagpakilala pa itong PDEA agent.

Siya ay inaresto sa bisa ng ‘warrant of arrest’ na inisyu ni Judge Maria Amifaith Fider-Reyes, ng San Fernando, Pampanga Regional Trial Court, Branch 42, sa mga kasong carnapping at kidnapping.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Estonido na nakapiit ngayon sa Anonas Police detention cell habang hinihintay ang court order para sa paglipat nito sa Pampanga.

Pinuri naman ni Gen.Eleazar ang pamunuan ng Galas Police Station sa pagkakadakip kay Estonido. “Ang ating batas ay walang sinisino, lalo pa at nagpanggap na tao ng gobyerno ang suspect, mas malaki ang pananagutan nya sa batas,” dagdag pa ng Heneral. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?