328
PCSO outlets, ikakandado ng PNP
Jul 27, 2019 @ 12:51
By

PCSO outlets, ikakandado ng PNP

Nagbigay na ng direktiba ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng Regional Offices sa bansa na ipasara ang lahat ng outlet ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasabay ng utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tigil na ang operasyon ng Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahang Bayan at lahat ng gaming schemes na ipinatutupad ng PCSO.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, agarang ipinag-utos ni Albayalde sa lahat ng kapulisan sa bansa kasabay ng direktiba ng Pangulo na ipasara ang lahat ng PCSO outlets at arestuhin ang sinumang lumabag sa kautusan.

Paliwanag ni Albayalde, utos ng nasa itaas namin kaya walang magiging problema ang PNP na ipatupad ito sa kabila ng mga nasisilip na iregularidad sa loob at labas ng PCSO gaming operations at ang umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Duterte, Biyernes ng gabi at agarang ipatutupad ng PNP.

Nabatid na ginawa ang naturang hakbang dahil sa talamak na pandaraya ng nasa loob ng PCSO.

Sa kabila nito, dismayado ang Pangulong Duterte sa pag-aalis ng PCSO subalit nararapat lamang umano upang matapos na ang katiwalian at kalookohan sa nasabing ahensya.

Nakatakdang imbestigahan ang talamak na korapsiyon sa PCSO.

Sa kabila nito, nangangamba naman ang pamunuan ng PNP sa posibleng paglabas ng mga illegal na pasugalan na tulad ng number games, jueteng, videokarera, peryahan at iba pa.

Ngunit mananaig pa rin ang kanilang ipatutupad na pagpapatigil ng anumang gaming schemes at kailangang arestuhin ang mga pasaway na gagawa ng ilegal.

<iframe width=”853″ height=”480″ src=”https://www.youtube.com/embed/cDV6h-37HzU” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?