84

Jan 1, 2018 @ 15:13
By

PCSO may P5.4-M tulong sa mga nasalanta ni Vinta

Naglaan ng P5.4 Milyon na tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Vinta ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang bahagi ng financial assistance sa mga lugar na tinamaan ng bagyo sa MIMAROPA, Regions VII, IX, X, XI, XII, ARMM at CARAGA partikular na sa Davao City, Davao Del Norte Province, Tagum City, Davao del Norte, Davao Occidental Province, Davao Oriental at Compostela Valley.

Ayon kay PCSO Chairman Jose Jorge E. Corpuz, nakatakda ang pamamahagi ng financial assistance sa mga opisyal ng local government units na nakalaang mamahagi ng mga kumot, mats, mosquito nets, hygiene kits, food packs, rice, canned goods, kitchen utensils, clothes, emergency first aid kits at drinking water para sa mga naapektuhan.

“PCSO will always be ready to come to the aid of Filipinos who are victims of natural calamities”, ayon naman kay PCSO General Manager Alexander F. Balutan.

Matatandaang unang nagbigay na ng P5-M ang PCSO para naman sa mga nasalanta ng bagyong Urduja sa Biliran na kung saan ay nagdagdag pa ng P2.5 million pesos bilang calamity assistance naman sa probinsya ng Eastern Samar, Western Samar, Northern Samar, Leyte at Southern Leyte na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?