36

Jun 13, 2020 @ 17:04
By

PCSO lugi ng P13B sa pagkandado sa lotto

Abot P13 billion ang nawala sa dapat kikitain ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) simula noong magsara ang kanilang mga lotto outlet dahil sa Luzon-wide lockdown.

“Most likely mga P13 billion ang nawala po na maaaring kinita ng aming ahensya mula noong nag-lockdown,” ayon kay PCSO General Manager Royina Garma.

Simula noong Marso ay nagsara na ang operasyon ng lotto matapos ilagay ang Metro Manila at iba pang lugar sa enhanced community quarantine.

Inaasahan naman ang muling pagbubukas ng mga ito, na naghahanda na para mailatag ang health standard na kakailangan sa new normal.

Isa pa sa posibleng isagawa ng PCSO ay ang pagtaya online para maiwasan na ang pagpila at pagbili ng mga ticket mula sa outlet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?