166

Dec 21, 2017 @ 19:38
By

PCSO kinunsensiya ng mga senador sa P6M gastos sa Christmas party

Abot-abot ang pagkundena ng mga senador sa paggastos ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P6 milyon sa kanilang Christmas party.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kahit sabihing legal ang paggastos na ito ng PCSO sa kanilang party, hindi pa rin makatarungan.

Idiniin na ang PCSO ay isa sa tanging ahensya ng gobyerno na ang mandato ay magbigay ng tulong sa mga mahihirap kaya hindi makatwirang gumastos ng malaki sa kasiyahan.

“What makes it an issue, unlike other government agencies, is the charity work in their mandate. It’s all a sensitivity and propriety issue, not legal,” ayon kay Lacson.

Kung tutuusin aniya, marami nang gamot na mabibili at marami nang mahihirap na matutulungan ang P6 na milyon.

Una nang sinabi ni Sandra Cam, isa sa mga board member ng PCSO, na P10 milyon ang ginastos sa PCSO Christmas Party pero itinuwid ni General Manager Alexander Balutan na naggiit na P6 milyon lang ang kanilang ginastos.

“That’s certainly a lot of medical assistance to indigent patients. The only difference between P6M and P14M is the number o indigents that PCSO could have assisted or the number of lives they could have saved,” ani Lacson. Isaac Mendez

Nainis din si Senador Kiko Pangilinan dahil gumastos ang PCSO ng halaga na maaring itulong sa pagpapagamot o pagpapa-ospital ng maraming nangangailangan.

“Hindi dapat gumagastos ng milyon-milyon ang PCSO sa party dahil higit na kinakailangan ng mahihirap ang pondo para sa gamot o pagpapa-ospital. Malaking pera na dapat sana ay inilaan sa nagangailangan ng tulong pero nauwi sa malalaking premyo at magarbong handaan,” ayon kay Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?