66
Panghahalay sa OFW ng Kuwaiti police, hindi pa alam ni Digong - Panelo
Aug 1, 2019 @ 17:38
By

PCSO ‘di nalugi sa 4-araw na walang lotto – Palasyo

Walang nawalang kita at lalong hindi nalugi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa apat na araw na natigil ang operasyon ng lotto.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng ulat na P250 milyon ang nawalang kita sa lotto sa apat na araw na pagpapatigil sa operasyon nito.

Ayon kay Panelo, walang dapat na panghinayangan dahil hindi naman nawala ang nabanggit na halaga.

Naantala lamang aniya ito at ngayong balik operasyon na ang lotto ay papasok na ito sa kita ng gobyerno para magamit sa mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga maysakit na Pilipino.

“Yung P250 million hindi naman nawala ‘yon eh, paano naman mawawala ‘yon. Kumbaga ‘yung apat na araw na hindi nila paglagay, eh ilalagay nila pagbukas. Kung baga na-delay lang ‘yung dating ng pera sa gobyerno. Na-delay lang,” ani Panelo.

Dahil sa apat na araw na pagkaantala ng bolahan, ginawang marathon ng PCSO ang pagbola sa lotto games para mahabol ang backlog sa bolahan noong Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?