74
ABANTE pcso jose george resign
By

PCSO Chairman Jose Corpuz, nagbitiw sa puwesto

Sharing is caring!

Inihayag na ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jose Jorge Elizalde Corpuz.

Sa ipinalabas na pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, isyung pangkalusugan ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Corpuz.

Ayon kay Roque, hindi si Corpuz ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda nitong sibakin dahil sa korapsiyon.

“This is to announce that Mr. Jose Jorge E. Corpuz has resigned as Chairman and Member, Board of Directors, Philippine Charity Sweepstakes Office due to health reasons. Mr. Corpuz, for the information of everyone,is not the person whom the President said he will fire for corruption,” ani Roque.

Matatandaang nalagay sa kontrobersiya ang mga opisyal ng PCSO makaraang ibunyag ni Sandra Cam ang magarbong Christmas party nila noong Disyembre na ginastusan ng P6 milyon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?