279

By

PCSO: Benta ng lotto bumaba dahil sa TRAIN Law

Bumagsak umano ng 39.19 porsiyento ang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lotto dahil sa maliit na jackpot prize pero mataas na presyo ng taya rito.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, nakapagrehisto lang sila ng P1,587,785,710 na benta sa lotto noong Pebrero kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na P2,611,320,180.

Gayundin din umano noong Enero sa naitalang P1,930,393,950 overall sales, na 30 porsiyento umano na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.

Ang maliit na jackpot prize umano ang dahilan kaya marahil nawalan ng gana ang mga mananaya at dahil sa implementasyon ng TRAIN Law.

Idagdag pa umano ang ipinapataw nilang 20% tax sa mga nananalo ng mahigit P10,000 sa lahat ng kanilang produkto.

Samantala, umaasa naman si Balutan na sisipa rin ang benta ng lotto sa mga susunod na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?