41

Jun 13, 2020 @ 22:38

PCSO abangers kay Duterte sa balik lotto

Inaabangan na ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang tugon o ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang ipinadalang liham hinggil sa muling pagpapatuloy sa operasyon ng lotto centers.

Ayon kay Garma para masiguro ang kaligtasan, hindi nila papayagan ang publiko na hindi magsusuot ng face masks sa lahat ng online betting station.

Sinabi ni Garman, kasama sa kanilang proposal ang paggamit ng mobile applications at automated betting machines para ‘di na kailangan ng face-to-face.

Aniya, nagbigay na sila ng tulong pinansyal sa Lotto at Keno tellers noong nakaraang linggo, na nagkakahalaga ng P3,000. (Mina Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?