388
abante-tnt-vismin-noel-puyat
By

PCOO Undersecretary Noel Puyat, nagbitiw na!

Sharing is caring!

Nagbitiw sa puwesto bilang Undersecretary for administration and Finance ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Noel Puyat.

Ayon kay Puyat, nakapagpaalam na siya kay PCOO secretary Martin Andanar dalawang buwan ang nakalipas at sumulat na rin siya kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pagbibitiw na mayroong petsang May 1, 2018.

Idinahilan ni Puyat na personal ang dahilan ng kanyang pagbibitiw dahil hiniling ng kanyang ama na tulungan sila sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo.

“I have already sought the permission of Secretary Andanar on this matter and have initiated the turn-over of all duties and functions to my co- undersecretaries and Assistan secretaries,” ani Puyat,

Nilinaw ni Puyat na walang kinalaman ang kanyang pagbibitiw sa lumabas na ulat na umano’y findings ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa umano’y mahigit P600 milyong hinahap ng ahensiya.

Si Puyat ang sinasabing nangasiwa sa mahigit P600 milyon na ginamit sa ASEAN event noong nakalipas na taon, kung saan mayroong inilaang P1.4 billion pondo sa PCOO.

Sinabi ng nagbitiw na opisyal na humingi siya ng certification sa COA at sinabi sa kanyang nasa final review pa ang annual audit report sa mga nagastos ng PCOO noong ASEAN.

Binigyang-diin ng nagbitiw na opisyal na walang kuwestiyonableng pondong nawawala o notice of disallowance ang COA kaya hindi niya alam kung saan nagmula ang ulat na may nawawalang mahigit P600 milyon.

Handa aniya siyang dumalo sa pagdinig ng senado kaugnay sa plano ni senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan ang pondong ginamit sa ASEAN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?