38

By

PCOO sasaklolo na para mawala ang takot ng publiko sa bakuna

Handa umano ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na tumulong sa Department of Health (DOH) sa information campaign nito para matunaw ang pangamba ng publiko sa bakuna na hatid ng Dengvaxia scare.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, makikipagpulong umano si Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa DOH para talakayin ang immunization communication program.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hiniling umano ni Health Secretary Francisco Duque sa PCOO na umayuda sa information campaign.

Muli namang iginiit ng DOH sa publiko na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas matapos nitong ideklara ang measles outbreak sa Metro Manila, Luzon, Eastern at Central Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?