69

Nov 23, 2021 @ 9:59
By

PCOO official lango sa alak habang nasa forum sa Senado

Isang opisyal ng isang printing office ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nahuli na umiinom ng alak habang dumadalo sa budget debate nitong Lunes.

Nahuli umanong umiinom ang General Manager ng APO printing habang virtual na dumadalo sa Plenary deliberations ng Senado sa year 2022 budget ng PCOO.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na “total disrespect” ang ginawa ng opisyal.

“This is a total disrespect for the Senate, we are in session, they are inside the session hall virtually and they are taking alcoholic drink during our forum, the session of the Senate. This is reprehensible,” ani Drilon.

“This is the first time in my 24 years in the Senate that I hear of a resource person imbibing hard liquor or alcohol during our session,” dagdag pa ni Drilon.

Ipinagpaliban muna ng Senado ang forum at ipagpapatuloy ito ng Martes.

Sinabi rin Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kinakailangan dumalo ng pisikal ang resource person.

“We will require all these agencies to be here, present like we are, everyday at 2 in the morning and comeback 10 in the morning. They’d be there in the back. Failure to attend…we just zero their budget,” pahayag ni Zubiri. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?