11

By

PCOO hindi pa lusaw! – Panelo

Sharing is caring!

Nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pa nalusaw ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ni Secretary Martin Andanar.

Sa harap ito ng napipintong pagbuhay sa Office of the Press Secretary na pangangasiwaan ni secretary Panelo.

Sinabi ng kalihim na mananatiling kalihim si Andanar at mananatiling operational ang PCOO para maghatid ng serbisyo sa mga Filipino.

“I think until such time as the OPS is created the PCOO with him at the helm is still operational as an entity,” ani Panelo.

Ang pagbuhay muli sa OPS ay iminungkahi ng mga mambabatas na sinang-ayunan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang pinalitan ng PCOO ang dating OPS noong panahon ng Aquino administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?