124
PCOO haharap sa int’l media kaugnay sa kaso ni Ressa
By

PCOO haharap sa int’l media kaugnay sa kaso ni Ressa

Magsasagawa ng “press freedom caravan” sa Europe ang mga opisyales ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang ipaliwanag sa international media na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na pag aresto sa CEO ng Rappler na si Maria Ressa.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ang ilang opisyales ng ahensiya ay makikipagkita sa mga journalist mula sa Belgium, Bosnia, at Switzerland upang sagutin ang mga katanungan hinggil sa press freedom sa Pilipinas.

“Ngayon, nandoon din sila ngayon sa Brussels — Bosnia muna tapos Brussels, tapos Switzerland. So ito ay para naman kausapin iyong mga European media, for example, marami silang tanong about the press freedom sa Pilipinas,” saad ni Andanar sa isang programa ng Radyo Pilipinas.

“Eh dinadala natin iyong Press Freedom Caravan para maintindihan nila, para maliwanagan sila sa kaso ni Maria Ressa,” dagdag nito.

Saad ni Andanar, ipaliliwanag nina Presidential Undersecretaries Joel Egco at Lorraine Badoy at ni Assistant Secretary Kris Ablan ang “nature” ng kaso ni Ressa at kung paanong walang kinalaman ang Pangulo rito.

“It is clear that it is a case between a private individual, a private businessman in the name of Wilfredo Keng and Miss Ressa and Rappler,” aniya.

“You are not above the law. So you are given all of the leeway and you are given all of the legal remedies that you can get…But to say that this is against press freedom, and to say that it is an upfront to press freedom is a big mistake because it’s not true,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?