By

PCOO gumastos ng P1.4B sa ‘trolls’ – Trillanes

Sharing is caring!

Pinaiimbestigahan ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado ang diumano’y bilyong pisong ginastos ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mga “troll.”

“Trolls” ang bansag sa hindi gumagamit ng tunay na pangalan sa social media habang malayang bumabanat, naninira, kumukuyog o kaya ay pumupuri sa puntiryang gibain at gawing popular.

Ayon kay Trillanes, mayroon siyang impormasyon na ginastos sa “trolls” ang bahagi ng P1.4 bilyon na naging badyet noong 2017 ng PCOO para dapat sa information roadshow tungk sa idinaos na ASEAN Summit.

“Ito na ang lumalabas na information na ito ay ginamit sa mga trolls nitong Duterte administration na ito. So they will need to explain. Malaking pera ito,” pahayag n Trillanes.

Mula sa nabanggit na halaga ang P647.11 na idineklara ng PCOO na ginamit sa mga information drive ukol sa ASEAN Summit na umano ay kinailangan dahil hindi lubos na naintindihan ng publiko ang pagpupulong.

“Ang info is for as long as the funds were available, merong troll operation. So ngayon wala namang inallocate sa 2018, I don’t know kung ano yan, kung anong ginagamit nila. Siguro kaya nabawasan yung mga trolls ngayon dahil wala na silang pondo,” dagdag ni Trillanes. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?