106
pcgg
By

PCGG, sinita ng COA sa ‘di nabentang sequestered properties ng Marcos cronies

Kinuwestiyon ng Commission on Audit(COA) ang kabiguan ng Presidential Commission on Good Government(PCGG) na ibenta ang mga nakaw na ari-ariang nabawi mula sa mga kaibigan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Base sa 2017 audit report, sinabi ng COA na aabot sa P336 million ang pondong malilikom sa pagbebenta ng mga ari-arian, na para sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng gobyerno.

Kabilang sa mga ari-arian na dapat naipagbili noong nakaraang taon ay ang 26,812 na ektaryang lupa sa Bacolod City na isinuko nina Antonio Martel at Simplicio Palanca, at 6.4 ektaryang lupa sa GMA, Cavite na isinuko ni Jose Campos.

Gayundin ang 5,952 square meters sa Naga City na nabawi mula sa Banahaw Broadcasting Corporation ni Roberto Benedicto; 2,335 sqaure meters sa Francisco Evergreen Subdivision sa Tagaytay City; 1,000 square meters sa Puerto Galera, Oriental Mindoro mula kay Jolly Bugarin; dalawang 300 square meters na lote sa Pangarap Village, Caloocan City mula sa dating aide ni Marcos na si Alejo Ganut Jr.; 480 square meters sa Kingswood Property, Emerald Court Subdivision, Caloocan City mula rin kay Ganut; at 300 square meters sa Calapan City, Oriental Mindoro mula kay Bugarin.

Ayon sa COA, isinama ng PCGG ang nasabing mga ari-arian sa listahan ng mga isu-subasta base sa privatization plan na isinumite ng Department of Justice noong April 2017.

Huling nakapagbenta ang PCGG ng ari-arian noong 2014 kung saan naipagbili ang tatlong ill-gotten assets sa private bidder.

“The audit team noted that during the year there was no public bidding conducted to privatize the assets enumerated. It was also further noted that the management also failed to dispose properties from previous years,” ayon sa COA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?