16

Oct 18, 2017 @ 18:08

PCGG documents laban kay Bautista nasa Kamara na

Isinumite na House Committee on Justice ang mga dokumentong mula sa Presidential Commission on Good Government(PCGG) na magagamit umano sa impeachment ni Commission on Elections(Comelec) Chairman Andres Bautista.

Dinala ni Atty. Manuenlito Luna, Legal Counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption(VACC) ang mga dokumento sa Secretariat ng komite.

Ang naturang mga dokumento ay unang ibinigay ng mga taga-PCGG kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras, isa sa complainants laban kay Bautista.

Resulta ito umano ito ng isinagawang internal investigation ng PCGG sa diumano’y mga katiwalian ni Bautista noong Chairman pa ito ng ahensya.

Umaasa si Luna na makatutulong ang mga dokumento sa pagbuo ng Articles of Impeachment laban aa Comelec Chairman.

“Ito ay ebidensiya na mag-au-augment doon sa mga existing evidence on record na ng Committee on Justice and now with the House of Representatives para patunayan ang alleged ill-gotten wealth ni Chairman Bautista,” ayon kay Luna. Pearl Serrano

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?