63

Sep 28, 2021 @ 18:32
By

PCG non-officer kalaboso sa pangingikil

Bistado ang isang non-officer ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes sa kanyang modus na pangingikil sa mga aplikante ng PCG kapalit ng mabilisang proseso ng kanilang mga clearance.

Kinilala ang suspek bilang si apprentice seaman Aldasher I. Anni.

Ayon sa ulat ng PCG, P85,000 ang hinihingi ni Anni sa mga aplikante para umano makuha nila agad ang kanilang medical at dental clearance nang hindi na dumadaan sa ilang mga proseso.

Nakuha sa kanya ang P1,000 marked money at P132,000 na boodle money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Tuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng PCG upang malaman kung may iba pang officer o non-officer ang nagsasagawa ng aktibidad gaya ng kay Anni.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?