25

May 7, 2021 @ 15:28
By

PCG naghatid ng oxygen sa 10 marinong COVID positive

Naghatid ng oxygen tank ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ng BRP Panglao (FPB-2402) sa 10 Pinoy marino na positibo sa COVID-19 mula MV Athens Bridge.

Naganap ang operasyong ito mahigit limang milya mula sa Sangley Point, Cavite City kagabi, ika-06 ng Mayo 2021.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng inter-agency effort ng Department of Transportation – Philippines (DOTr), PCG, Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA), Bureau of Quarantine (BOQ), at iba pang ahensya sa ilalim ng One-Stop Shop (OSS) sa Port Area, Maynila.

Ang nasabing barko ay nagmula sa India at Vietnam, dumating ang mga ito sa Pilipinas matapos na malamang 12 sa kanilang 21 Filipino crew ang tinamaan ng COVID-19.

Dalawa sa mga crew member ay kritikal ang kondisyon at kaagad na dinala sa ospital.

Samantala, tinututukan naman ng BOQ at PCG ang 10 pang Filipino crew ng MV Athens Bridge na lumalaban pa rin sa COVID-19 para makapagbigay ng karagdagang medical supply at iba pang pangangailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?