9

By

PCG, nagbabala vs ‘colorum’ na pampasaherong bangka

Sharing is caring!

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe ngayong Christmas, muling nagpaalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasahero ng mga sasakyang-pandagat na iwasan ang pagtangkilik sa mga “fly-by-night” o “colorum” na bangkang de-motor.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, masyadong delikado ang pagsakay sa mga kolorum na motor banca dahil hindi ito rehistrado at walang maipakitang sapat na dokumento.

Hindi rin umano nakasunod ang mga kolorum na bankang de-motor sa pamantayan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa aspetong pangkaligtasan.

Sinabi ni Hermogino na sinasamantala ng may-ari at operator ng mga bangka ang pagdagsa ng pasahero sa iba’t ibang port at terminal sa mga probinsya lalo na sa mga major tourist spot kung saan hindi na natutugunan ng mga major shipping line ang bilang ng mga dumadagsang pasahero.

Dagdag pa ni Hermogino, karamihan sa mga ito ay walang maibigay na insurance para sa mga pasahero at walang life vests at mga life saving devices.

Sakaling may reklamo o anumang isyu patungkol sa mga pagpalaot ay maaaring itawag sa Coast Guard Action Center hotline 0917-724-3682.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?