227

Nov 2, 2017 @ 18:21

PCG members sa Marawi siege, pararangalan

Bibigyan ng heroes’ welcome ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mga miyembro na tumugon sa krisis sa Marawi City.

Sa abisong ipinadala ng PCG, bibigyan din ng pagkilala ang mga miyembro ng PCG Task Unit 2.2 na bahagi ng Task Force Northern Mindanao.

Gagawin ang pagkilala sa Coast Guard Surface Support Force Parade Ground sa Pier 13 sa Port Area, Maynila.

Magiging bahagi ng seremonya ang Coast Guard Anti-Terrorist Unit, Coast Guard Special Operations Force at Coast Guard Weapons, Communications, Electronics and Information Systems Command.

“This is recognition to the PCG personnel’s bravery as they responded to the call of duty amidst risks faced from the Maute Terrorist group in Marawi City and it’s neighboring towns and cities,” saad ng PCG sa abiso nito. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?