18

May 17, 2021 @ 12:45
By

PCG kakasuhan 2 miyembro na huli sa buy-bust

Sasampahan ng kasong administratibo ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawa nitong kawani na nahuli sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City noong Mayo 15.

Ayon sa PCG, ang dalawang naaresto ay may ranggong Petty Officer First Class at Petty Officer Second Class.

Ang dalawa ay nahulihan ng apat na sachet ng shabu na may halagang P200,000.

Kinondena ng pamunuan ng PCG ang ginawa ng dalawa.

“I have been repeatedly urging our men and women to live up the ideals of genuine PCG – patriotism, compassion, and fear of God. I compel fellow senior PCG officers and personnel to shepherd their subordinates towards serving with humility and compassion, and evidently, two of our senior PCG personnel’s alleged involvement in illegal drug activities is a clear dereliction of duty,” pahayag ni Admiral George Ursabia Jr., commandant ng PCG.

Ayon kay Ursabia, kung mapapatunayang guilty ang dalawa, sila ay matatanggal sa serbisyo. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?