36

Feb 12, 2021 @ 17:01
By

PCG hiring 5K tauhan ngayong taon

Inanusyo ng opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na magre-recruit sila ng mahigit 5,000 officer at personnel ngayong 2021.

Ayon kay Commandant Admiral George Ursabia Jr., magsasanay sila ng 4,000 indibidwal para isali sa kanilang hanay at 1,500 katao naman para sa Bureau of Customs.

Ani Ursabia, ito ay para paigtingin at paramihin ang kanilang puwersa dahil lubos umano silang kailangan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?