106

Jan 24, 2019 @ 21:20
By ,

PCCL: Go, Ateneo humirit ng do-or-die

Naipwersa ng Ateneo Blue Eagles sa isang decider ang best-of-three series nito kontra sa San Beda Red Lions sa 2018 Philippine Collegiate Champions League President’s Cup.

Bagama’t kulang ang tropa sa pagsisimula ng laro dahil late na dumating sina Thirdy Ravena at tatlo pang manlalaro, naitakas pa rin ng Blue Eagles ang 75-62 panalo kontra Red Lions Huwebes ng sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Limang manlalaro lang ang nasa bench ng Blue Eagles nang magsimula ang laro — sina Isaac Go, Tyler Tio, Adrian Wong, Jason Credo at RV Berjay.

Nanguna sa tropa si Go na humataw ng 28 puntos sa likod ng pitong tres kasama ang 10 rebounds, habang umayuda naman si Tio ng 18 puntos.

“I told the guys before the game, we only had five guys and they did a heck of a job. They kept the pace where it needed to be,” wika ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Nabuhayan pa ang San Beda nang maibaba ni James Canlas ang kalamangan sa tatlo, 51-48, pero agaran ding nabawi sa magkasunod na tres nina Go at Tio.

“They went out there and under conditions that weren’t ideal. I think it just says something about them wanting to play the game the right way,” dagdag ni Baldwin.

Ang mananalo sa deciding Game 3 ang makakaharap ng University of Visayas sa isang knockout championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?