36

Jun 9, 2020 @ 11:29
By

PCCI iginiit sa gobyerno ang pagbabalik-biyahe ng mga PUJ, PUV

Iginiit ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa gobyerno na pabalikin na sa pamamasada ang mga public utility jeepney (PUJ) at public utility vehicle (PUV) sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Nabatid na ang pagbabalik pasada ng mga PUJ at PUV ay isa sa 10 rekomendasyon ng PCCI sa isinagawang unang Sulong Pilipinas forum, matapos ang annual conference noong 2016.

Inianunsiyo ni PCCI president Benedicto Yujuico ang 10 ‘actionable recommendations’ na nasasakop sa iba’t ibang topic sa sektor ng agrikultura, edukasyon, internet connectivity at public transportation.

Sinabi ni Yujuico na dapat nang patagin ng gobyerno ang operasyon ng mass public transportation kasama na ang bus at jeepney sa kondisyon na dapat na may naipatupad na health protocol.

Gayundin, dapat humanap ang gobyerno ng iba pang transportation modes at magbukas pa ng ibang mga malalaking pedestrian at bike lanes.

Una na ring iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagbabalik ng operasyon ng jeepneys at PUVs para mabawasan ang bilang nang nawalan ng trabaho.

“You want to restart the economy? Then let PUVs restart their engines,” ayon kay Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?