147

Jan 31, 2020 @ 18:36
By

PCCCII magdo-donate ng 600,000 face masks sa ‘Pinas

Hindi umano lingid sa kaalaman ng mga Chinese ang kakapusan din ng mga face mask sa Pilipinas.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, dahil sa kanyang suhestiyon, nagdesisyon ang Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCCII) na mag-donate ng kahon-kahong face mask sa bansa na katumbas ng 600,000 face masks para sa mga Pilipino.

Naniniwala sila na ang relasyon ng Pilipinas at China ay “through thick and thin” sa nakalipas na panahon kaya patuloy aniyang magtutulungan ang dalawang bansa sa gitna na rin ng suliranin sa coronavirus na kinumpirma na ang unang kaso sa bansa.

Tiwala ang embahada na maibabalik sa mga tao ang normal na pamumuhay at malalagpasan ang suliranin sa virus.

Lubos naman ang pasasalamat ni Xilian sa mga Pilipino sa pangangalaga sa mga Chinese at pagsuporta sa mga ito laban sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?