23

Oct 14, 2021 @ 17:44
By

PCA tinalakan ni Villar sa magulong budget proposal

Sinermunan ni Senadora Cynthia Villar ang mga opisyal ng Philippine Coconut Authority (PCA) kaugnay ng magulo nitong panukalang budget para sa taong 2022.

Sa pagdinig sa Senado, pinaalalahanan ni Villar ang mga opisyal ng PCA na ang P613 milyon sa P1.097 bilyon ay dapat gamitin sa para umakma at hindi magdoble sa mga proyekto na hindi na kailangan pang gamitin ang coco levy funds.

“PCA should complement the law from its regular program of planting and replanting. Iyon ang sinasabi ko, dapat tinignan niyo kung ano ‘yong nasa coco levy fund at ‘yong kulang do’n, ‘yon ang paggagamitan ng pera,” sabi ni Villar sa mga opisyal ng PCA.

Ang coco levy fund na kinuha mula sa buwis na ipinapataw sa coconut product noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tinatayang mahigit sa P100 hanggang P150 bilyon.

“Iyon ang sinasabi ko, kung hindi nasama ‘yon sa coco levy (funds), ‘yon ang ilagay niyo ang budget niyo hindi ‘yong duplication sa coco levy,” sambit pa ni Villar.

“Tapos ‘yong sinasabi mo na hindi kayo binigyan ng budget sa project management ng coco levy, ‘yon, ilagay mo dyan,” dagdag pa nito.

Tinanong pa nito ang mga opisyal ng PCA kung ano ang pagkakaiba ng programa na sinimulan ng PCA at Department of Trade and Industry.

Bago magtapos ang pagdinig, sinabi ni Villar ang mga opisyal na PCA na magtakda na isa pang pagpupulong sa kanya para ayusin ang isyu ng badyet ng ahensiya bago ito iakyat sa plenaryo. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?