16

Oct 23, 2020 @ 11:57
By

‘PBB’ winner sa mga auditionee na ABS-CBN basher: Kinain lang nila sinabi nila!

May mensahe si Kim Chiu para sa mga taong gustong mapabilang sa bagong edition ng “Pinoy Big Brother” pero todo-suporta naman noon sa ABS-CBN shutdown.

“Sa ginagawa nilang ‘yan, sinu-support pa rin nila ‘yung Kapamilya channel. So, parang kinain lang nila ‘yung sinabi nila!,” banggit ng 30-anyos na aktres sa media conference ng horror movie na “U-Turn.”

“Maganda rin, kasi at least nabigyan sila ng hope na maging isang housemate and matupad nila ‘yung pangarap nila for their family.”

“Naniniwala pa rin — because of Kapamilya Channel, because of ‘Pinoy Big Brother’ opening the house again sa lahat ng mga nangangarap — na there’s still hope. Kahit na sinabi nilang ‘Yes to ABS-CBN Shutdown,’ naniniwala pa rin silang merong pag-asa dito sa ABS,” sey pa niya.

16 taong gulang si Kim nang pumasok sa “PBB”. Siya ang nagwagi sa unang teen edition ng nasabing Kapamilya reality show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?