33

Jan 14, 2022 @ 17:48
By

‘PBB’ inawat livestreaming

Suspendido ang 24/7 livestreaming sa Kumu ng “Pinoy Big Brother: Kumunity”.

Bilang pagsunod ito sa health at safety protocols ng hit reality show ng ABS-CBN.

Ngayong January 14 epektibo ang suspensiyon. Magpapatuloy ang livestreaming sa January 18.

Sabi ng program management, ito ay upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng kasali sa palabas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?