1,445

Nov 20, 2021 @ 17:03
By

PBB housemate sinuka ng mga netizen

Trending topic sa buong Twitter universe ang ‘FORCE EVICT TJ’ dahil sa galit ng mga netizen kay TJ Valderrama, isa sa mga housemate ng PBB Kumunity Season 10.

Batay sa video at litratong kuha ng mga netizen sa ilang episode ng PBB, matindi ang paghawak ni TJ sa baywang at ibang parte ng katawan ng housemate na si Shanaia Gomez.

Ayon sa mga netizen, kitang-kita ang pagkailang ni Shanaia sa tuwing hahawakan siya ni TJ.

Nagalit din ang mga Twitter user sa isang video kung saan bigla na lamang niyakap ni TJ si Shanaia habang nagto-toothbrush ito.

Ngayong Sabado ang ikatlong eviction night ng PBB, ngunit walang pake ang mga netizen dahil forced eviction ni TJ ang kanilang hiling.

Narito ang ilan sa mga tweet, na ngayo’y nasa mahigit 20,000 na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?